Nakaaalam sila ng isang nakalantad mula sa buhay na pangmundo samantalang sila sa Kabilang-buhay ay mga nalilingat. Ar-Rūm 30:7 ⧉
Tafsīr:
Hindi sila nakaalam ng pananampalataya at mga patakaran ng Batas ng Islām. Nakaaalam lamang sila ng isang nakalantad mula sa buhay na pangmundo na nauugnay sa pagkita ng ikabubuhay at pagpapatayo ng kabihasnang materyal samantalang sila, sa Kabilang-buhay na siyang tahanan ng tunay na buhay, ay mga umaayaw, na hindi sila pumapansin doon.