Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 21 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 21 sa 73 • Tagalog


لَقَدْ كَانَ لَكُمْ فِي رَسُولِ اللَّهِ أُسْوَةٌ حَسَنَةٌ لِمَنْ كَانَ يَرْجُو اللَّهَ وَالْيَوْمَ الْآخِرَ وَذَكَرَ اللَّهَ كَثِيرًا 21
Pagsasalin:
Talaga ngang nagkaroon para sa inyo sa Sugo ni Allāh ng isang magandang huwaran para sa sinumang naging nag-aasam [sa pakikipagkita] kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas. Al-Aḥzāb 33:21
Tafsīr:
Talaga ngang nagkaroon kayo sa sinabi ng Sugo ni Allāh, isinagawa niya, at ginawa niya ng isang ulirang maganda sapagkat nagpadalo nga siya ng sarili niyang marangal at nagsabalikat siya ng digmaan kaya papaano kayong magdaramot matapos niyon ng mga sarili ninyo sa sarili niya? Walang nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kundi ang sinumang nag-aasam sa gantimpala ni Allāh at awa Niya, nag-aasam sa Huling Araw, gumagawa para roon, at umalaala kay Allāh nang madalas. Hinggil naman sa hindi nag-aasam sa Huling Araw at hindi nag-aalaala kay Allāh nang madalas, tunay na siya ay hindi nagsasahuwaran sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 20 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 22