Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 22 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 22 sa 73 • Tagalog


وَلَمَّا رَأَى الْمُؤْمِنُونَ الْأَحْزَابَ قَالُوا هَٰذَا مَا وَعَدَنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَصَدَقَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ ۚ وَمَا زَادَهُمْ إِلَّا إِيمَانًا وَتَسْلِيمًا 22
Pagsasalin:
Noong nakita ng mga mananampalataya ang mga lapian ay nagsabi sila: “Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya at nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya.” Walang naidagdag sa kanila ito kundi pananampalataya at pagtanggap. Al-Aḥzāb 33:22
Tafsīr:
Noong napagmasdan ng mga mananampalataya ang mga lapiang nagtitipon para sa pakikipaglaban sa kanila ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya na pagsubok, mga ligalig, at pagwawagi. Nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya hinggil dito sapagkat nagkatotoo ito." Walang naidagdag sa kanila ang pagkamasid nila sa mga lapian kundi pananampalataya kay Allāh at pagpapaakay sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 21 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 23