Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 23 sa 73 • Tagalog


مِنَ الْمُؤْمِنِينَ رِجَالٌ صَدَقُوا مَا عَاهَدُوا اللَّهَ عَلَيْهِ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ قَضَىٰ نَحْبَهُ وَمِنْهُمْ مَنْ يَنْتَظِرُ ۖ وَمَا بَدَّلُوا تَبْدِيلًا 23
Pagsasalin:
Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat sa ipinangako nila kay Allāh sapagkat mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya [hanggang kamatayan] at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi sila nagpalit [sa pangako] sa isang pagpapalit, Al-Aḥzāb 33:23
Tafsīr:
Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat kay Allāh kaya tumupad sila sa ipinangako nila sa Kanya na pagpapakatatag at pagtitiis sa pakikibaka sa landas Niya sapagkat mayroon sa kanila na namatay o napatay sa landas Niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa ng pagkamartir sa landas Niya. Hindi binago ng mga mananampalatayang ito ang ipinangako nila kay Allāh tulad ng ginawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga pangako ng mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 22 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 24