Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 71 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 71 sa 73 • Tagalog


يُصْلِحْ لَكُمْ أَعْمَالَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ ۗ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ فَازَ فَوْزًا عَظِيمًا 71
Pagsasalin:
magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo at magpapatatawad Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtamo nga ng isang pagkatamong sukdulan. Al-Aḥzāb 33:71
Tafsīr:
Tunay na kayo, kung nangilag kayong magkasala kay Allāh at nagsabi kayo ng sinasabing tama, ay magsasaayos Siya para sa inyo ng mga gawain ninyo, tatanggap Siya ng mga ito mula sa inyo, at bubura Siya para sa inyo ng mga pagkakasala ninyo kaya hindi Siya maninisi sa inyo dahil sa mga ito. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo ay nagtamo nga ng isang pagtamong sukdulan, na walang nakapapantay rito na alinmang pagtamo, ang pagtamo ng kaluguran ni Allāh at ang pagpasok sa Paraiso.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 70 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 72