Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 72 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 72 sa 73 • Tagalog


إِنَّا عَرَضْنَا الْأَمَانَةَ عَلَى السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَالْجِبَالِ فَأَبَيْنَ أَنْ يَحْمِلْنَهَا وَأَشْفَقْنَ مِنْهَا وَحَمَلَهَا الْإِنْسَانُ ۖ إِنَّهُ كَانَ ظَلُومًا جَهُولًا 72
Pagsasalin:
Tunay na Kami ay nag-alok ng pagtitiwala sa mga langit, lupa, at mga bundok; ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan niyon at nabagabag ang mga ito roon, at pumasan naman niyon ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan, napakamangmang [sa kahihinatnan nito]. Al-Aḥzāb 33:72
Tafsīr:
Tunay na Kami ay nag-alok ng [pagtitiwala sa] mga tungkuling pambatas at anumang nangangalaga sa mga yaman at mga lihim, sa mga langit, sa lupa, at sa mga bundok, ngunit tumanggi ang mga ito na pumasan niyon at nangamba ang mga ito sa kahihinatnan niyan. Pumasan naman niyon ang tao; tunay na siya ay naging napakamapaglabag sa katarungan sa sarili niya, napakamangmang sa kahihinatnan ng pagpasan niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 71 Susunod Al-Aḥzāb • Talata 73