Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥzāb — Talata 73 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥzāb • Talata 73 sa 73 • Tagalog


لِيُعَذِّبَ اللَّهُ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْمُشْرِكِينَ وَالْمُشْرِكَاتِ وَيَتُوبَ اللَّهُ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 73
Pagsasalin:
[Ito ay] upang pagdusahin ni Allāh ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, at [upang] tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Aḥzāb 33:73
Tafsīr:
Pumasan niyon ang tao ayon sa pagtatakda mula kay Allāh upang pagdusahin ni Allāh ang mga mapagpaimbabaw na mga lalaki at ang mga mapagpaimbabaw na mga babae, at ang mga tagapagtambal na mga lalaki at ang mga tagapagtambal na mga babae dahil sa pagpapaimbabaw nila at pagtatambal nila kay Allāh, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na gumawa ng maganda sa pagpasan ng pagtitiwala sa mga tungkulin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥzāb • Talata 72 Susunod Saba’ • Talata 1