Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa at ukol sa Kanya ang papuri sa Kabilang-buhay. Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid. Saba’ 34:1 ⧉
Tafsīr:
Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa Kanya ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa, at ukol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ang pagbubunyi sa Kabilang-buhay. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.