Talaga ngang nagpatotoo sa kanila si Satanas ng palagay niya sapagkat sumunod sila sa kanya maliban sa isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya. Saba’ 34:20 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagsakatotohanan sa kanila si Satanas ng ipinagpalagay niya na siya ay nakakakaya sa pagpapalisya sa kanila at pagliligaw sa kanila palayo sa katotohanan. Kaya sumunod sila sa kanya sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw maliban sa isang pangkatin kabilang sa mga mananampalataya sapagkat tunay na sila ay bumigo sa pag-aasam niya dahil sa kawalan ng pagsunod nila sa kanya.