Hindi siya nagkaroon sa kanila [na tao at jinn] ng anumang kapamahalaan maliban upang magtangi Kami sa sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay mula sa sinumang ito hinggil doon ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo sa bawat bagay ay Mapag-ingat. Saba’ 34:21 ⧉
Tafsīr:
Hindi nagkaroon si Satanas sa kanila ng anumang kapamahalaang ipanlulupig niya sa kanila para maligaw sila. Siya lamang noon ay nang-aakit sa kanila at nagpapalisya sa kanila, ngunit Kami ay nagpahintulot sa kanya sa pagpapalisya sa kanila upang malantad ang lagay ng sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na ganti, mula sa sinumang hinggil sa Kabilang-buhay ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo, O Sugo, sa bawat bagay ay Mapag-ingat, na nag-iingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya at gaganti sa kanila sa mga ito.