Magsasabi ang mga nagmalaki sa mga siniil: “Kami ba ay bumalakid sa inyo sa patnubay matapos noong dumating ito sa inyo? Bagkus kayo noon ay mga salarin.” Saba’ 34:32 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi ang mga sinusunod, na nagmalaki palayo sa katotohanan, sa mga tagasunod na siniil nila: "Kami ba ay pumigil sa inyo sa patnubay na dinala sa inyo ni Muḥammad? Hindi! Bagkus kayo noon ay mga tagalabag sa katarungan at mga alagad ng kaguluhan at panggugulo."