Magsasabi ang mga siniil sa mga nagmalaki: “Bagkus, [humadlang sa amin] ang pakana [ninyo] sa gabi at maghapon noong nag-uutos kayo sa amin na tumanggi kaming sumampalataya kay Allāh at [na] gumawa kami para sa Kanya ng mga kaagaw.” Maglilihim sila ng pagsisisi kapag nakita nila ang pagdurusa. Maglalagay Kami ng mga kulyar sa mga leeg ng tumangging sumampalataya. Gagantihan kaya sila ng maliban pa sa dati nilang ginagawa [na mga kasalanan]? Saba’ 34:33 ⧉
Tafsīr:
Magsasabi ang mga tagasunod, na minamahina ng mga pinuno nila, sa mga sinunod nilang mga tagapagmalaki palayo sa katotohanan: "Bagkus bumalakid sa amin sa patnubay ang pakana ninyo laban sa amin sa gabi at maghapon nang kayo dati ay nag-uutos sa amin ng kawalang-pananampalataya kay Allāh at ng pagsamba sa mga nilikha bukod pa sa Kanya." Magkukubli sila ng pagsisisi sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo kapag nasaksihan nila ang pagdurusa at nalaman nila na sila ay mga pagdurusahin. Maglalagay Kami ng mga posas sa mga leeg ng tagatangging sumampalataya. Hindi sila gagantihan ng ganting ito kundi dahil sa dati nilang ginagawa sa Mundo na pagsamba sa iba pa kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway.