Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 4 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 4 sa 45 • Tagalog


وَإِنْ يُكَذِّبُوكَ فَقَدْ كُذِّبَتْ رُسُلٌ مِنْ قَبْلِكَ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ 4
Pagsasalin:
Kung nagpapasinungaling sila sa iyo, may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa. Tungo kay Allāh pinababalik ang mga usapin. Fāṭir 35:4
Tafsīr:
Kung nagpapasinungaling sa iyo ang mga kalipi mo, O Sugo, ay magtiis ka sapagkat hindi ikaw ang unang sugong pinasinungalingan ng mga kalipi nito sapagkat may nagpasinungaling nga na mga kalipunan, bago mo pa, sa mga sugo sa kanila, tulad ng [mga liping] `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Tungo kay Allāh lamang pinababalik ang mga usapin sa kabuuan ng mga ito para magpahamak Siya sa mga tagapasinungaling at mag-adya Siya sa mga sugo Niya at mga mananampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 3 Susunod Fāṭir • Talata 5