Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 5 sa 45 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۖ وَلَا يَغُرَّنَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ 5
Pagsasalin:
O mga tao, tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang lilinlang sa inyo ang buhay na pangmundo at huwag ngang lilinlang sa inyo hinggil kay Allāh ang mapanlinlang [na si Satanas]. Fāṭir 35:5
Tafsīr:
O mga tao, tunay na ang ipinangako ni Allāh – na pagkabuhay at pagganti sa Araw ng Pagbangon – ay totoo na walang duda hinggil dito, kaya huwag ngang dumaya sa inyo ang mga sarap ng buhay na pangmundo at ang mga ninanasa rito palayo sa paghahanda para sa Araw na ito sa pamamagitan ng gawang maayos, at huwag ngang dumaya sa inyo ang demonyo sa pamamagitan ng pang-aakit niya para sa kabulaanan at pagsandal sa buhay na pangmundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 4 Susunod Fāṭir • Talata 6