Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 44 sa 45 • Tagalog


أَوَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ وَكَانُوا أَشَدَّ مِنْهُمْ قُوَّةً ۚ وَمَا كَانَ اللَّهُ لِيُعْجِزَهُ مِنْ شَيْءٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَلِيمًا قَدِيرًا 44
Pagsasalin:
Hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila samantalang ang mga iyon dati ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Hindi nangyaring si Allāh ay ukol mapawalang-kakayahan ng anuman sa mga langit ni sa lupa. Tunay na Siya ay laging Maalam, May-kakayahan. Fāṭir 35:44
Tafsīr:
Hindi ba humayo ang mga tagapasinungaling sa iyo, kabilang sa [liping] Quraysh, sa lupain para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga nagpasinungaling kabilang sa mga kalipunan bago nila? Hindi ba nangyaring ang wakas ng mga iyon ay isang wakas ng kasagwaan yayamang nagpahamak sa mga iyon si Allāh samantalang ang mga iyon noon ay higit na matindi sa lakas kaysa sa [liping] Quraysh? Hindi nangyaring si Allāh ay ukol malusutan ng anuman sa mga langit ni sa lupa. Tunay na Siya ay laging Maalam sa mga gawain ng mga tagapasinungaling na ito: walang naililingid sa Kanya mula sa mga gawa nila na anuman at walang nakalulusot sa Kanya, May-kakayahan sa pagpapahamak sa kanila kapag niloob Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 43 Susunod Fāṭir • Talata 45