Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Fāṭir — Talata 45 (Tagalog) — Bidyo

Fāṭir • Talata 45 sa 45 • Tagalog


وَلَوْ يُؤَاخِذُ اللَّهُ النَّاسَ بِمَا كَسَبُوا مَا تَرَكَ عَلَىٰ ظَهْرِهَا مِنْ دَابَّةٍ وَلَٰكِنْ يُؤَخِّرُهُمْ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ۖ فَإِذَا جَاءَ أَجَلُهُمْ فَإِنَّ اللَّهَ كَانَ بِعِبَادِهِ بَصِيرًا 45
Pagsasalin:
Kung sakaling magpapanagot si Allāh sa mga tao dahil sa nakamit nila ay hindi na sana Siya nag-iwan sa balat nito ng anumang gumagalaw na nilalang subalit nag-aantala Siya sa kanila hanggang sa isang taning na tinukoy. Kaya kapag dumating ang taning nila, tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay laging Nakakikita. Fāṭir 35:45
Tafsīr:
Kung sakaling magmamadali si Allāh sa kaparusahan para sa mga tao dahil sa ginawa nila na mga pagsuway at nagawa nila na mga kasalanan ay talaga sanang nagpahamak Siya sa lahat ng mga naninirahan sa lupa kaagad at sa minamay-ari nila na mga hayop at mga yaman subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nag-aantala sa kanila hanggang sa isang taning na tinakdaan sa kaalaman Niya, ang Araw ng Pagbangon. Kaya kapag dumating ang Araw ng Pagbangon, tunay na si Allāh sa mga lingkod Niya ay laging Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman, saka gaganti sa kanila sa mga gawa nila: kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti].
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Fāṭir • Talata 44 Susunod Yā Sīn • Talata 1