Tunay na ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyo, kaya makinig kayo sa akin.” Yā Sīn 36:25 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ako, O mga kababayan, ay sumampalataya sa Panginoon ko at Panginoon ninyo sa kalahatan, kaya makinig kayo sa akin sapagkat hindi ako pumapansin sa ibinabanta ninyo sa akin na pagpatay." Kaya walang nangyari sa mga kababayan niya kundi na pinatay nila siya, kaya ipapasok siya ni Allāh sa paraiso.