Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 26 sa 83 • Tagalog


قِيلَ ادْخُلِ الْجَنَّةَ ۖ قَالَ يَا لَيْتَ قَوْمِي يَعْلَمُونَ 26
Pagsasalin:
Sasabihin: “Pumasok ka sa paraiso.” Magsasabi siya: “O kung sana ang mga kababayan ko ay nakaaalam Yā Sīn 36:26
Tafsīr:
Sasabihin bilang pagpaparangal sa kanya matapos ng pagpapakamartir niya: "Pumasok ka sa paraiso." Kaya kapag nakapasok siya roon at nakasaksi sa anumang naroon na kaginhawahan ay magsasabi siya habang nagmimithi: "O kung sana ang mga kababayan kong nagpasinungaling sa akin at pumatay sa akin ay nakaaalam sa nangyari sa akin na pagpapatawad sa mga pagkakasala at sa ipinarangal sa akin ng Panginoon ko, talagang sasampalataya sila tulad ng pagsampalataya ko at magtatamo sila ng isang ganting tulad ng ganti sa akin."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 25 Susunod Yā Sīn • Talata 27