O isang panghihinayang sa mga lingkod [na tao at jinn]. Walang pumunta sa kanila na anumang sugo malibang sila dati ay nangungutya. Yā Sīn 36:30 ⧉
Tafsīr:
O pagsisisi ng mga taong tagapagpasinungaling at panghihinayang nila sa Araw ng Pagbangon kapag nasasaksihan nila ang pagdurusa! Iyon ay dahil noong sila ay nasa Mundo, walang dumarating sa kanila na sugo mula sa ganang kay Allāh malibang sila noon ay nanunuya sa kanya at nangungutya sa kanya. Kaya ang kahihinatnan nila ay ang pagsisisi sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagpapabaya nila sa nauukol kay Allāh.