Hindi ba sila nagsaalang-alang na kay rami ng ipinahamak Namin, bago nila, na mga [makasalanang] salinlahi – na ang mga [napahamak na] iyon sa kanila ay hindi babalik? Yā Sīn 36:31 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba nagsaalang-alang ang mga tagapagpasinungaling na nangungutyang ito sa mga sugo ng isang aral hinggil sa mga nauna sa kanila na mga kalipunan? Namatay na ang mga iyon at hindi babalik sa Mundo sa ikalawang pagkakataon. Bagkus magtatamo ang mga iyon ng ipinauna ng mga iyon na mga gawa at gaganti si Allāh sa kanila sa mga ito.