Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Aṣ-Ṣāffāt — Talata 102 (Tagalog) — Bidyo

Aṣ-Ṣāffāt • Talata 102 sa 182 • Tagalog


فَلَمَّا بَلَغَ مَعَهُ السَّعْيَ قَالَ يَا بُنَيَّ إِنِّي أَرَىٰ فِي الْمَنَامِ أَنِّي أَذْبَحُكَ فَانْظُرْ مَاذَا تَرَىٰ ۚ قَالَ يَا أَبَتِ افْعَلْ مَا تُؤْمَرُ ۖ سَتَجِدُنِي إِنْ شَاءَ اللَّهُ مِنَ الصَّابِرِينَ 102
Pagsasalin:
Kaya noong umabot ito kasama sa kanya sa [gulang ng] pagpupunyagi ay nagsabi siya: “O munting anak ko, tunay na ako ay nakakikita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano nakikita mo.” Nagsabi si Ismael: “O ama ko, gawin mo po ang ipinag-uutos sa iyo. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, kabilang sa mga nagtitiis.” Aṣ-Ṣāffāt 37:102
Tafsīr:
Kaya noong nagbinata si Ismael at nakaabot ang pagpupunyagi nito sa pagpupunyagi ng ama nito, nanaginip ang ama nitong si Abraham ng isang panaginip. Ang panaginip ng mga propeta ay isang kasi. Nagsabi si Abraham habang nagpapabatid sa anak niya tungkol sa katuturan ng panaginip na ito: "O munting anak ko, tunay na ako ay nakakita sa pagtulog na ako ay kumakatay sa iyo, kaya tumingin ka kung ano ang naiisip mo kaugnay roon." Kaya sumagot si Ismael sa ama niya, na nagsasabi: "O ama ko, gawin mo po ang ipinag-utos sa iyo ni Allāh na pagkakatay sa akin. Matatagpuan mo po ako, kung niloob ni Allāh, na kabilang sa mga nagtitiis na nalulugod sa kahatulan ni Allāh."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Aṣ-Ṣāffāt • Talata 101 Susunod Aṣ-Ṣāffāt • Talata 103