Surah Al-Aḥzāb (Ang mga Alyansa — الأحزاب) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




33 Al-Aḥzāb(الأحزاب), Talata 59

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ قُلْ لِأَزْوَاجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَاءِ الْمُؤْمِنِينَ يُدْنِينَ عَلَيْهِنَّ مِنْ جَلَابِيبِهِنَّ ۚ ذَٰلِكَ أَدْنَىٰ أَنْ يُعْرَفْنَ فَلَا يُؤْذَيْنَ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا 59 ٥٩

O Propeta [Muḥammad], sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila ng mula sa mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila [bilang babaing mananampalatayang mahinhin] para hindi sila maperhuwisyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (59)

Tafsīr
O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, sabihin mo sa mga babaing anak mo, at sabihin mo sa mga kababaihan ng mga mananampalataya na magbaba sila sa ibabaw nila ng bahagi ng mga balabal nila na isinusuot nila upang walang malantad mula sa kanila na `awrah (kahubaran) sa harap ng mga hindi kaanu-ano na mga lalaki. Iyon ay higit na malapit na makilala na sila ay mga malayang babae para walang gumambala sa kanila na isa man sa pamamagitan ng pananakit gaya ng gumagambala sa mga babaing alipin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba