Nagtaka sila na may dumating sa kanila na isang tagapagbabala kabilang sa kanila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Ito ay isang manggagaway na palasinungaling. Ṣād 38:4 ⧉
Tafsīr:
Ipinagtaka nila nang may dumating sa kanila na isang sugo kabilang sa mga sarili nila, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh kung nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya nang nasaksihan nila ang mga patunay sa katapatan ng inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Ito ay isang lalaking manggagaway na nanggagaway sa mga tao, na palasinungaling sa inaangkin niyang siya raw ay isang sugo mula kay Allāh, na kinakasihan.