Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 27 sa 75 • Tagalog


وَلَقَدْ ضَرَبْنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ مِنْ كُلِّ مَثَلٍ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ 27
Pagsasalin:
Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito ng bawat paghahalintulad nang sa gayon sila ay magsasaalaala. Az-Zumar 39:27
Tafsīr:
Talaga ngang naglahad Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng mga uri ng mga paghahalintulad sa kabutihan at kasamaan, katotohanan at kabulaanan, pananampalataya at kawalang-pananampalataya, at iba pa roon, sa pag-asang magsaalang-alang sila sa inilahad Namin mula sa mga [paghahalintulad na] ito para malaman nila ang katotohanan at iwan nila ang kabulaanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 26 Susunod Az-Zumar • Talata 28