Bilang Qur’ān na Arabe na walang isang kabaluktutan nang sa gayon sila mangingilag magkasala. Az-Zumar 39:28 ⧉
Tafsīr:
Gumawa Kami nito bilang Qur’ān sa wikang Arabe na walang kabaluktutan dito ni paglihis ni pagkalito, sa pag-asang mangilag silang magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.