Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Az-Zumar — Talata 3 (Tagalog) — Bidyo

Az-Zumar • Talata 3 sa 75 • Tagalog


أَلَا لِلَّهِ الدِّينُ الْخَالِصُ ۚ وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ مَا نَعْبُدُهُمْ إِلَّا لِيُقَرِّبُونَا إِلَى اللَّهِ زُلْفَىٰ إِنَّ اللَّهَ يَحْكُمُ بَيْنَهُمْ فِي مَا هُمْ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي مَنْ هُوَ كَاذِبٌ كَفَّارٌ 3
Pagsasalin:
Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik [ay nagsasabi]: “Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa kadikitan.” Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan nila hinggil sa anumang sila hinggil doon ay nagkakaiba-iba. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa sinumang sinungaling [nag-uugnay sa Kanya ng katambal,] na palatangging sumampalataya. Az-Zumar 39:3
Tafsīr:
Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong walang halong shirk. Ang mga gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga tagapagtangkilik kabilang sa mga diyus-diyusan at mga mapagmalabis na sinasamba nila bukod pa kay Allāh habang mga nagdadahi-dahilan ng pagsamba nila sa mga ito sa pamamagitan ng sabi nila: "Hindi kami sumasamba sa mga ito kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa antas, mag-angat sila sa Kanya ng mga pangangailangan namin, at mamagitan sila para sa amin sa harap Niya." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa pagitan ng mga mananampalatayang naniniwala sa kaisahan Niya at ng mga tagatangging sumampalataya na tagapagtambal sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang sila dati ay nagkakaiba-iba kaugnay sa paniniwala sa kaisahan Niya. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan tungo sa katotohanan sa sinumang sinungaling kay Allāh, na nag-uugnay sa Kanya ng katambal, na mapagtangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Az-Zumar • Talata 2 Susunod Az-Zumar • Talata 4