Kung sakaling nagnais si Allāh na gumawa ng isang anak ay talaga sanang humirang Siya mula sa anumang nililikha Niya ng niloloob Niya. Kaluwalhatian sa Kanya! Siya ay si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig. Az-Zumar 39:4 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling nagnais si Allāh ng paggawa ng isang anak ay talaga sanang pumili Siya mula sa anumang nilikha Niya ng niloloob Niya saka gumawa Siya rito sa antas ng anak. Nagpakawalang-kapintasan Siya at nagpakabanal Siya higit sa sinasabi ng mga tagapagtambal na ito. Siya ay ang Nag-iisa sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya: walang katambal para sa Kanya sa mga ito, ang Palalupig sa lahat ng nilikha Niya.