Sumunod kayo sa [Qur’ān na] pinakamaganda sa pinababa sa inyo mula sa Panginoon ninyo bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakararamdam, Az-Zumar 39:55 ⧉
Tafsīr:
Sumunod kayo sa Qur'ān na pinakamaganda sa pinababa ng Panginoon ninyo sa Sugo Niya saka gumawa kayo ayon sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas kayo sa mga sinasaway Niya bago pa pumunta sa inyo ang pagdurusa nang biglaan habang kayo ay hindi nakadarama nito para maghanda kayo para rito ng pagbabalik-loob.