na baka magsabi ang isang kaluluwa: “O panghihinayang sa anumang pinabayaan ko sa nauukol kay Allāh at tunay na ako dati ay talagang kabilang sa mga nanunuya;” Az-Zumar 39:56 ⧉
Tafsīr:
Gawin ninyo iyon sa pangingilag na magsabi ang isang kaluluwa dahil sa tindi ng pagsisisi sa Araw ng Pagbangon: "O pagsisisi nito sa pagpapabaya nito sa nauukol kay Allāh dahil sa dating taglay nito na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at dahil sa ito dati ay nanunuya sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima;"