Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Nisā’ — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

An-Nisā’ • Talata 95 sa 176 • Tagalog


لَا يَسْتَوِي الْقَاعِدُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ غَيْرُ أُولِي الضَّرَرِ وَالْمُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ ۚ فَضَّلَ اللَّهُ الْمُجَاهِدِينَ بِأَمْوَالِهِمْ وَأَنْفُسِهِمْ عَلَى الْقَاعِدِينَ دَرَجَةً ۚ وَكُلًّا وَعَدَ اللَّهُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَفَضَّلَ اللَّهُ الْمُجَاهِدِينَ عَلَى الْقَاعِدِينَ أَجْرًا عَظِيمًا 95
Pagsasalin:
Hindi nagkakapantay ang mga nagpapaiwan kabilang sa mga mananampalatayang walang mga taglay na kapinsalaan at ang mga nakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila. Nagtangi si Allāh sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila higit sa mga nagpapaiwan ayon sa antas. Sa bawat isa ay nangako si Allāh ng pinakamaganda. Nagtangi si Allāh sa mga nakikibaka higit sa mga nagpapaiwan ng isang pabuyang mabigat: An-Nisā’ 4:95
Tafsīr:
Hindi nagkakapantay ang mga mananampalatayang umiiwas sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh, na walang mga taglay na mga maidadahilan gaya ng mga may-sakit at mga may-kapansanan, at ang mga nakikibaka ayon sa landas ni Allāh sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga yaman nila at mga sarili nila. Nagtangi si Allāh sa antas sa mga nakikibaka sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga yaman nila at mga sarili nila higit sa mga umiiwas sa pakikibaka. Ukol sa bawat isa sa mga nakikibaka at mga umiiwas sa pakikibaka dahil sa [tanggap na] maidadahilan ang pabuya niyang naging karapat-dapat siya. Nagtangi si Allāh sa mga nakikibaka higit sa mga umiiwas sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang gantimpalang mabigat mula sa ganang Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Nisā’ • Talata 94 Susunod An-Nisā’ • Talata 96