Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 15 sa 85 • Tagalog


رَفِيعُ الدَّرَجَاتِ ذُو الْعَرْشِ يُلْقِي الرُّوحَ مِنْ أَمْرِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ لِيُنْذِرَ يَوْمَ التَّلَاقِ 15
Pagsasalin:
[Si Allāh] ang Angat sa mga antas, ang May Trono, nagtatalaga Siya ng pagsisiwalat mula sa utos Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang magbabala [ang sugo] ng Araw ng pakikipagkita [ng mga una at mga huli]. Ghāfir 40:15
Tafsīr:
Siya ay karapat-dapat upang pag-ukulan ng kawagasan sa panalangin at pagtalima sapagkat Siya ay ang Angat sa mga antas, na nakahiwalay sa lahat ng nilikha Niya, habang Siya ay ang Panginoon ng Trono. Nagpapababa Siya ng kasi sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang mabuhay sila mismo at magpabuhay sila sa iba sa kanila, at upang magpangamba sila sa mga tao hinggil sa Araw ng Pagbangon, na magkikita roon ang mga kauna-unahan at ang mga kahuli-hulihan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 14 Susunod Ghāfir • Talata 16