Sa Araw na sila ay mga lilitaw, walang nakakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman. Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito? Sa kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig. Ghāfir 40:16 ⧉
Tafsīr:
Sa Araw na sila ay mga nakalantad na nakapagtipon na sa nag-iisang larangan, walang makakukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman: wala mula sa mga sarili nila ni mga gawa nila ni mga ganti sa kanila. Itatanong: "Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito?" Wala ngayon kundi nag-iisang sagot: "Ang paghahari ay sa kay Allāh, ang Nag-iisa sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya; ang Palagapi na gumapi sa bawat bagay at sumailalim sa Kanya ang bawat bagay."