Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 17 sa 85 • Tagalog


الْيَوْمَ تُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ ۚ لَا ظُلْمَ الْيَوْمَ ۚ إِنَّ اللَّهَ سَرِيعُ الْحِسَابِ 17
Pagsasalin:
Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito. Walang [gagawing] kawalang-katarungan sa Araw na ito. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos. Ghāfir 40:17
Tafsīr:
Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito na gawa. Kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti]. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito dahil ang Tagahatol ay si Allāh, ang Makatarungan. Tunay na si Allāh ay Mabilis ang pagtutuos sa mga lingkod Niya dahil sa pagkakasaklaw ng kaalaman Niya sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 16 Susunod Ghāfir • Talata 18