Magbabala ka sa kanila ng Araw ng Papalapit kapag ang mga puso ay nasa tabi ng mga lalamunan habang mga nagpipigil. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na anumang matalik na kaibigan ni tagapagpamagitang tatalimain. Ghāfir 40:18 ⧉
Tafsīr:
Pangambahin mo sila, O Sugo, ng Araw ng Pagbangon, ang Pagbangong ito [ng mga patay] na nalalapit sapagkat ito ay darating at ang bawat darating ay malapit na. Sa Araw na iyon, ang mga puso dala ng tindi ng hilakbot ng mga ito ay magiging nakaangat hanggang sa umabot sa mga lalamunan ng mga may-ari ng mga ito, na magiging mga tahimik: hindi magsasalita ang isa kabilang sa kanila maliban sa sinumang nagpahintulot sa kanya ang Napakamaawain. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway na anumang kaibigan ni kamag-anak ni tagapagpamagitang tatalimain kapag itinakda para sa kanya na mamagitan.