Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkalikha ng mga langit at lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na gumagalaw na nilalang. Siya, sa pagtipon sa kanila kapag loloobin Niya, ay May-kakayahan. Ash-Shūrā 42:29 ⧉
Tafsīr:
Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pagkalikha ng mga langit at ang pagkalikha ng lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na mga nilikhang kahanga-hanga. Siya, sa pagtipon sa kanila para sa pagkalap at pagganti kapag niloob Niya, ay May-kakayahan: hindi nagpapawalang-kakayahan sa Kanya iyon kung paanong hindi nagpawalang-kakayahan sa Kanya ang paglikha sa kanila sa unang pagkakataon.