Ang anumang tumama sa inyo na kasawiang-palad ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo – at nagpapaumanhin Siya sa marami. Ash-Shūrā 42:30 ⧉
Tafsīr:
Ang anumang tumama sa inyo, o mga tao, na kasawiang-palad sa mga sarili ninyo o mga ari-arian ninyo ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo na mga pagsuway. Nagpapalampas si Allāh sa inyo sa marami sa mga iyon kaya hindi Siya naninisi sa inyo.