Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 51 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 51 sa 53 • Tagalog


وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَنْ يُكَلِّمَهُ اللَّهُ إِلَّا وَحْيًا أَوْ مِنْ وَرَاءِ حِجَابٍ أَوْ يُرْسِلَ رَسُولًا فَيُوحِيَ بِإِذْنِهِ مَا يَشَاءُ ۚ إِنَّهُ عَلِيٌّ حَكِيمٌ 51
Pagsasalin:
Hindi naging ukol sa tao na kausapin siya ni Allāh maliban sa isang pagkasi, o sa likuran ng isang lambong, o magsugo Siya ng isang [anghel na] sugo para magkasi iyon ayon sa pahintulot Niya ng anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay Mataas, Marunong. Ash-Shūrā 42:51
Tafsīr:
Hindi natutumpak para sa tao na kausapin ito ni Allāh maliban sa isang pagkasi sa pamamagitan ng pagsisiwalat o iba pa roon, o kausapin Niya ito sa kung saan nakaririnig ito sa salita Niya samantalang hindi ito nakakikita sa Kanya, o magsugo Siya rito ng isang anghel na sugo tulad ni Gabriel para magkasi sa sugong tao ayon sa pahintulot Niya ng anumang niloloob ni Allāh na ikasi. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Mataas sa sarili Niya at mga katangian Niya, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 50 Susunod Ash-Shūrā • Talata 52