Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ash-Shūrā — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Ash-Shūrā • Talata 52 sa 53 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ رُوحًا مِنْ أَمْرِنَا ۚ مَا كُنْتَ تَدْرِي مَا الْكِتَابُ وَلَا الْإِيمَانُ وَلَٰكِنْ جَعَلْنَاهُ نُورًا نَهْدِي بِهِ مَنْ نَشَاءُ مِنْ عِبَادِنَا ۚ وَإِنَّكَ لَتَهْدِي إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 52
Pagsasalin:
Gayon Kami nagkasi sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ng isang espiritu mula sa kautusan Namin. Hindi ka noon nakaaalam kung ano ang Aklat ni ang pananampalataya, subalit gumawa Kami rito bilang liwanag na nagpapatnubay Kami sa pamamagitan nito sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Tunay na ikaw, [O Propeta Muḥammad,] ay talagang nagpapatnubay tungo sa isang landasing tuwid: Ash-Shūrā 42:52
Tafsīr:
Gaya ng pagkasi Namin sa mga anghel bago mo pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur'ān mula sa ganang Amin. Hindi ka noon nakaaalam kung ano ang mga aklat na makalangit na pinababa sa mga sugo at hindi ka noon nakaaalam kung ano ang pananampalataya. Subalit nagpababa Kami ng Qur'ān na ito bilang tanglaw na nagpapatnubay Kami sa pamamagitan nito sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Tunay na ikaw ay talagang gumagabay sa mga tao tungo sa isang daang tuwid, ang Relihiyong Islām.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ash-Shūrā • Talata 51 Susunod Ash-Shūrā • Talata 53