Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Kanya. Ito ay landasing tuwid.” Az-Zukhruf 43:64 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay Panginoon ko at Panginoon ninyo – walang Panginoon ukol sa atin na iba pa sa Kanya – kaya magpakawagas kayo para sa Kanya lamang sa pagsamba. Ang paniniwala sa kaisahan Niyang ito ay ang daang tuwid na walang kabaluktutan dito."