Ngunit nagkaiba-iba ang mga lapian mula sa gitna nila, kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan mula sa isang pagdurusa sa isang Araw na masakit. Az-Zukhruf 43:65 ⧉
Tafsīr:
Ngunit nagkaiba-iba ang mga pangkatin ng mga Kristiyano hinggil sa pumapatungkol kay Jesus. Mayroon sa kanila na nagsasabing siya ay diyos at nagsasabing siya ay anak ng Diyos. Mayroon sa kanila na nagsasabing siya at ang ina niya ay mga diyos. Kaya kapighatian ay ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila – dahil sa paglalarawan nila kay Jesus ng pagkadiyos o pagkapropeta o na siya ay isa sa tatlong persona – mula sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.