Mananawagan sila: “O Mālik, magpawakas sa amin ang Panginoon mo.” Magsasabi siya: “Tunay na kayo ay mga mamamalagi.” Az-Zukhruf 43:77 ⧉
Tafsīr:
Mananawagan sila sa tagatanod ng Apoy, kay Anghel Mālik, na mga nagsasabi: "O Mālik, magbigay-kamatayan sa amin ang Panginoon mo para makapagpahinga kami sa pagdurusa." Kaya sasagot sa kanila si Mālik sa pamamagitan ng sabi niya: "Tunay na kayo ay mga mamamalagi sa pagdurusa palagi, habang hindi mamamatay at hindi napuputol sa inyo ang pagdurusa."