Kaya nagpahamak Kami sa higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik at nagdaan ang tulad sa mga sinauna. Az-Zukhruf 43:8 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagpahamak Kami sa kanila na higit na matindi sa bagsik kaysa sa mga kalipunang iyon sapagkat hindi Kami nawawalang-kakayahan sa pagpapahamak sa kanila na higit na mahina kaysa sa mga iyon. Nagdaan sa Qur'ān ang paglalarawan sa kapahamakan ng mga kalipunang nauna, tulad sa `Ād, Thamūd, mga kababayan ni Lot, at mga naninirahan sa Madyan.