Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang lumikha ng mga langit at lupa ay talagang magsasabi nga sila na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan, ang Maalam, Az-Zukhruf 43:9 ⧉
Tafsīr:
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at kung sino ang lumikha ng lupa ay talagang magsasabi nga sila, bilang sagot sa tanong, mo na lumikha ng mga ito ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Maalam sa bawat bagay.