Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa sa katotohanan at upang gantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan. Al-Jāthiyah 45:22 ⧉
Tafsīr:
Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa dahil sa kasanhiang malalim at hindi Siya lumikha ng mga ito sa kawalang-kabuluhan at upang gantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito na kabutihan o kasamaan habang si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa kanila sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni ng pagdagdag sa mga masagwang gawa nila.