Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Jāthiyah — Talata 23 (Tagalog) — Bidyo

Al-Jāthiyah • Talata 23 sa 37 • Tagalog


أَفَرَأَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ إِلَٰهَهُ هَوَاهُ وَأَضَلَّهُ اللَّهُ عَلَىٰ عِلْمٍ وَخَتَمَ عَلَىٰ سَمْعِهِ وَقَلْبِهِ وَجَعَلَ عَلَىٰ بَصَرِهِ غِشَاوَةً فَمَنْ يَهْدِيهِ مِنْ بَعْدِ اللَّهِ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ 23
Pagsasalin:
Kaya nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Nagligaw rito si Allāh ayon sa kaalaman [dito], nagpinid Siya sa pandinig nito at puso nito, at naglagay Siya sa paningin nito ng isang takip. Kaya sino pa ang papatnubay rito matapos na ni Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala? Al-Jāthiyah 45:23
Tafsīr:
Tumingin ka, O Sugo, sa sumunod sa pithaya niya at naglagay rito sa antas ng sinasamba para rito, na hindi ito sumasalungat doon. Nagligaw nga rito si Allāh ayon sa kaalaman mula sa Kanya sapagkat ito ay nagiging karapat-dapat sa pagpapaligaw. Nagpinid si Allāh sa puso nito kaya hindi ito nakaririnig ayon sa pagdinig na pakikinabangan nito. Naglagay si Allāh sa paningin nito ng isang balot na humahadlang dito sa pagkita sa katotohanan. Kaya sino pa ang magtutuon dito sa katotohanan matapos na nagligaw rito si Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala ng pinsala ng pagsunod sa pithaya at ng pakinabang ng pagsunod sa Batas ni Allāh?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Jāthiyah • Talata 22 Susunod Al-Jāthiyah • Talata 24