Nagsabi siya: “Tanging ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh. Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin, subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang.” Al-Aḥqāf 46:23 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi siya: "Tanging ang kaalaman sa oras ng pagdurusa ay nasa ganang kay Allāh at ako ay walang kaalaman hinggil doon. Ako ay isang sugong nagpapaabot lamang sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang. Ang may kapakinabangan sa inyo ay iniiwan ninyo at ang may kapinsalaan sa inyo ay pinupuntahan ninyo."