Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 24 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 24 sa 35 • Tagalog


فَلَمَّا رَأَوْهُ عَارِضًا مُسْتَقْبِلَ أَوْدِيَتِهِمْ قَالُوا هَٰذَا عَارِضٌ مُمْطِرُنَا ۚ بَلْ هُوَ مَا اسْتَعْجَلْتُمْ بِهِ ۖ رِيحٌ فِيهَا عَذَابٌ أَلِيمٌ 24
Pagsasalin:
Kaya noong nakakita sila niyon na isang ulap na [nakaharang na] nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: “Ito ay isang ulap na magpapaulan sa atin.” Bagkus iyon ay ang minadali ninyo na isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang masakit. Al-Aḥqāf 46:24
Tafsīr:
Kaya noong dumating sa kanila ang minadali nila na pagdurusa at nakakita sila niyon na isang ulap na nakaharang sa dako ng langit na nakaharap sa mga lambak nila ay nagsabi sila: "Ito ay isang ulap na magpapatama sa atin ng ulan." Nagsabi sa kanila si Hūd: "Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay ninyo na iyon ay ulap na magpapaulan sa inyo; bagkus iyon ay ang pagdurusang minadali ninyo sapagkat iyon ay isang hanging sa loob nito ay isang pagdurusang nakasasakit."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 23 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 25