Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 31 sa 35 • Tagalog


يَا قَوْمَنَا أَجِيبُوا دَاعِيَ اللَّهِ وَآمِنُوا بِهِ يَغْفِرْ لَكُمْ مِنْ ذُنُوبِكُمْ وَيُجِرْكُمْ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ 31
Pagsasalin:
O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] at sumampalataya kayo rito, magpapatawad Siya sa inyo ng ilan sa mga pagkakasala ninyo at kakalinga Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang masakit. Al-Aḥqāf 46:31
Tafsīr:
O mga kalahi namin, sumagot kayo kay Muḥammad sa ipinaanyaya niya sa inyo na katotohanan at sumampalataya kayo sa kanya na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya, magpapatawad sa inyo si Allāh sa mga pagkakasala ninyo at magliligtas sa inyo laban sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa inyo kapag hindi kayo sumagot sa ipinaanyaya niya sa inyo na katotohanan at hindi kayo sumampalataya rito na siya ay isang sugo mula sa Panginoon niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 30 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 32