Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 32 sa 35 • Tagalog


وَمَنْ لَا يُجِبْ دَاعِيَ اللَّهِ فَلَيْسَ بِمُعْجِزٍ فِي الْأَرْضِ وَلَيْسَ لَهُ مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءُ ۚ أُولَٰئِكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 32
Pagsasalin:
Ang sinumang hindi sumagot sa tagapag-anyaya ni Allāh [na si Propeta Muḥammad] ay hindi makapagpapawalang-kakayahan [sa Kanya] sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw. Al-Aḥqāf 46:32
Tafsīr:
Ang sinumang hindi sumagot kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa ipinaanyaya nito na katotohanan ay hindi makalulusot kay Allāh sa pagtakas sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik na sasagip dito mula sa pagdurusa. Ang mga iyon ay nasa isang maliwanag na pagkaligaw palayo sa katotohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 31 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 33