pagtalima [kay Allāh] at pagsasabing nakabubuti. Kaya kapag naisatungkulin ang usapin [ng pakikipaglaban] saka kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila. Muḥammad 47:21 ⧉
Tafsīr:
Ang tumalima sila sa utos ni Allāh at ang magsabi sila ng isang sinasabing nakabubuti, na walang masama rito, ay higit na mabuti para sa kanila. Kaya kapag naisatungkulin ang pakikipaglaban at nagseryoso saka kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh sa pananampalataya nila sa Kanya at pagtalima nila sa Kanya, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila kaysa sa pagpapaimbabaw at pagsuway sa mga utos ni Allāh.